Home NATIONWIDE 440,000 tutors, wanted sa pinalawak na ARAL – DepEd

440,000 tutors, wanted sa pinalawak na ARAL – DepEd

227
0

MANILA – Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkoles ang pagpapalawak ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program upang makinabang ang 6.7 milyong mag-aaral sa pampublikong paaralan sa buong bansa.

Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2026 General Appropriations Act na naglalaan ng PHP8.93 bilyon para sa programa.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, unang beses na ganap na popondohan ang ARAL.

“Dito po sa ARAL Program, unprecedented din po iyong spending. Ito iyong para humabol tayo dahil lumalabas na nahuli na ang ating mga bata sa… reading and math,” ani Angara.

Layunin ng DepEd na kumuha ng 440,000 tutors—mula sa DepEd at non-DepEd personnel—para sa School Year 2026–2027 upang suportahan ang mga mag-aaral na nahihirapan at mabawasan ang pasanin ng mga guro.

Saklaw din ng pondo ang pagsasanay ng tutors at pagbili ng mas maayos na learning materials, habang pahuhusayin ang pagsubaybay sa progreso ng mag-aaral sa pamamagitan ng pinahusay na Learner Information System.

Hanggang Lunes, iniulat ng DepEd na 3.42 milyong mag-aaral sa Grades 3–6 at 1.72 milyong mag-aaral sa Grades 7–10 ang lumapit na sa antas ng pagiging handa sa kanilang baitang, batay sa Middle of School Year assessments.

Tumaas ng lima puntos ang reading readiness ng Grades 3–6 learners at anim hanggang siyam na puntos para sa Grades 7–10. Noong 2025, nakatulong ang ARAL sa humigit-kumulang 3 milyong mag-aaral sa bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here