MANILA, Philippines – Mabilis na inaprubahan ng Senado nitong Huwebes ng hapon ang panukalang P785.2 milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa fiscal year 2027.
Personal na dumalo si Vice President Sara Duterte sa session hall ng Senado habang tinatalakay ang panukalang pondo.
Agad namang hiniling ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ibigay ang tradisyunal na courtesy sa OVP, nang walang senador na nagtanong o nagbigay ng interpelasyon.
Inaprubahan ito ni Senate President Sherwin Gatchalian. RNT/MDS