Home METRO Mag-utol nag-reunion sa selda sa damo

Mag-utol nag-reunion sa selda sa damo

203
0

BATAAN — Sa kulungan ang tuluyang sadlak ng isang 18 anyos na binata na dadalaw sana sa kanyang kuya na nakakulong, matapos umanong tangkaing magpuslit ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana nitong Miyerkules ng hapon sa loob ng Bataan District Jail, Barangay Doña, Orani.

Ayon kay Bataan District Jail Warden Richard Torres, natiklo ang suspek sa inspeksyon matapos umanong makapkapang makapansin ang mga tauhan ng isang (1.0) gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa bulsa ng shorts ng suspek na itinuturing na tangkang maipasok sa pasilidad ng piitan para dalawin ang kanyang kuya.

Hindi pinaniwalaan ng jail personnel ang iginiit ng suspek na hiniram lamang daw nito ang suot na shorts at hindi niya alam na may laman marijuana sa bulsa.

Sa ulat, regular umanong dumadalaw ang suspek sa nakakatandang kapatid na nakakulong dahil din sa kaso ng ipinagbabawal na droga.

Dahil dito, tuluyan na silang magkakasama ng kanyang utol sa loob ng bilangguan.

Nasa kustodiya pa ng pulisya ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Law at inihanda na ang dokumentasyon para sa tamang disposisyon.

—Roel Tarayao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here