MANILA, Philippines – Dalawa na ang iniulat na major cases sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno at Traslacion ngayong Enero 9.
Kabilang rito ang isang miyembro ng media na si Itoh Son na nakaranas ng paninikip ng dibdib habang nagkokober ng Traslacion bandang alas-3 ng madaling araw.
Itinakbo siya sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, ngunit wala na itong hininga at pulso; nagawa pa itong marevive.
Gayunman, makalipas ang ilang sandali, binawian din siya ng buhay, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang kapamilya.
Sa kabuuang tala ng Philippine Red Cross na naka-station sa Kartilya malapit sa Manila City Hall, nasa 298 ang natulongan ng iba’t ibang medical team, na karamihan ay nagtamo ng mga sugat o hiwa sa paa at kamay.
Ang ilan naman ay nakaranas ng hirap sa paghinga, nawalan ng malay, at nahilo dahil sa siksikan ng mga deboto sa Traslacion. Jocelyn Tabangcura-Domenden