Home NATIONWIDE DepEd nagluluksa sa pagpanaw ng guro habang nagtuturo

DepEd nagluluksa sa pagpanaw ng guro habang nagtuturo

219
0

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) nitong Huwebes sa pamilya, mga kasamahan, at mag-aaral ni Teacher Agnes Buenaflor ng Pedro E. Diaz High School sa Muntinlupa City matapos ang kanyang pagpanaw.

Inilarawan ng DepEd si Buenaflor bilang isang “dedicated educator” at tiniyak ang suporta sa komunidad ng paaralan sa panahon ng pagdadalamhati.

Sa pamamagitan ng Schools Division Office, nakikipag-ugnayan ang departamento sa paaralan at pamilya upang magbigay ng agarang tulong, kabilang ang psychosocial support para sa mga apektadong mag-aaral at kawani.

Ayon sa DepEd, iniimbestigahan ang mga pangyayari sa insidente at nananawagan sa publiko na iwasang magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon.

“The Department is looking into what happened and respectfully asks the public to avoid spreading unverified or speculative information, out of respect for the family and all those affected,” ani ng ahensya.

Kinikilala rin ng departamento ang pangakong maging transparent, mahabagin, at pangalagaan ang kapakanan ng mga guro at mag-aaral. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here