Home NATIONWIDE Pope Leo, nanawagan ng mas malawak na konsultasyon sa mga kardinal sa...

Pope Leo, nanawagan ng mas malawak na konsultasyon sa mga kardinal sa Hunyo

267
0

VATICAN CITY — Nanawagan si Pope Leo XIV ng panibagong pagpupulong ng buong College of Cardinals sa pagtatapos ng Hunyo upang palalimin pa ang konsultasyon at sama-samang pamamahala sa Simbahang Katolika.

Ito ay kasunod ng dalawang araw na extraordinary consistory na ginanap nitong Huwebes, Enero 8, na tumalakay sa direksiyon ng Simbahan sa ilalim ng bagong Santo Papa.

Ayon sa Vatican, layon ng hakbang na palakasin ang collegial governance o pamamahalang nakabatay sa pakikinig at kolektibong pananagutan, taliwas sa mas personal na istilo ng pamumuno noong nakalipas na pontipikado.

Sinabi ni Vatican spokesman Matteo Bruni na bibigyan ng Santo Papa ng mas regular na porma ang mga ganitong pagpupulong at planong gawin itong taunang pagtitipon na tatagal ng tatlo hanggang apat na araw.

Ipinahayag ni South African Cardinal Stephen Brislin na malinaw ang hangarin ni Pope Leo na makinig at makipagtulungan hindi lamang sa mga kardinal kundi pati sa mas malawak na Simbahan.

Samantala, ayon kay Colombian Cardinal Luis Jose Rueda Aparicio, may malalim na malasakit ang Santo Papa sa sitwasyon sa Venezuela at nais nitong hikayatin ang dayalogo at pagkakaisa sa naturang bansa.

Ang pagpupulong ngayong linggo ang itinuturing na simula ng sariling direksiyon ni Pope Leo bilang pinuno ng Simbahang Katolika matapos ang transisyunal na taon kasunod ng pamumuno ng yumaong Pope Francis. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here