MANILA, Philippines – Arestado ang isang indibidwal at nakumpiska ang nasa P2.2 milyong halaga ng iligal na droga, mga baril at granada sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Barangay East Bajac-Bajac sa naturang lungsod.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., sa bisa ng Search Warrant na inisyu ng Korte, sinalakay at hinalughog ng mga operatiba Police Regional Special Operations Group 3- Regional Intelligence Division (RSOG3-RID) at Olongapo City Police ang bahay ng suspek sa naturang lugar.







