Home ENTERTAINMENT Fans, OA mang-pressure kay KC!

Fans, OA mang-pressure kay KC!

209
0

Manila, Philippines – Walang pag-aalinlangan na kinakarir talaga ni KC Concepcion na maibalik sa dati ang magandang hubog ng kanyang katawan.

Ikinatuwa ng kanyang mga fans ang finlex niyang larawan sa kanyang social media açcount.

Una’y makikitang nag-a-apply siya ng lipstick habang nakatalikod.

Pero makikita sa reflection ni KC sa salamin ang kanyang mga curves.

The other photo shows KC doing some workout.

Pinusuan ng mga netizens ang dalawang picture na ‘yon, making them fully realize na seryoso ngang talaga ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa kanyang “balik-alindog program.”

‘Yun nga lang, those netizens can be a little too pushy.

Sunud-sunod ang mga ibinabatong nilang “sana” na gawin ni KC.

Sana raw ay mapanood na nila ito sa TV o sa pelikula.

Yaman din lang daw na pumayat na siya’y sana ay makita raw nilang nagsasayaw ito sa TV.

Labis din daw ikatutuwa ng kanyang mga faney na makitang may film project sila ni Jericho Rosales.

Kung nababasa lang ni KC ang mga ‘yon, tiyak na aawatin niya ang kanyang mga tagahamga not to pressure her.

Hindi ba puwedeng one at a time ang mga hinihiling nilang “sana” to think na nasa pagpapayat stage pa siya?

Gusto nila, agad-agad?! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here