MANILA, Philippines – Magpapatuloy hanggang bukas, Enero 10 ang tradisyunal na pahalik sa imahe ng Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand.
Ang “pahalik” ay pinalawig hanggang Sabado ng alas-10 ng umaga para sa mas maraming mga deboto na magtutungo pa rin sa lugar.
“Our Rector, Fr. Ramon Jade Licuanan, saw the continued influx of devotees, who wanted to get close to and touch the Jesus Nazareno,” saad sa pahayag ng Quiapo Church.
“And being a Friday, surely the number of devotees will still increase. Thus, our Rector decided to extend the pahalik.”
Pinapayagan ang mga deboto na hawakan, halikan at punasan ang imahe.
Sa mga nakalipas na taon, ang “pahalik” ay natatapos agad kapag nagsimula na ang Traslacion. RNT/JGC