
MANILA, Philippines — Umabot na sa mahigit 439,000 deboto ang namonitor ng Philippine National Police (PNP) hanggang alas-10 ng umaga ng Biyernes, Enero 9, kaugnay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.
Batay sa tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO), pinakamaraming deboto ang namataan sa bahagi ng Taft-Ayala Boulevard hanggang Mercedes Street na umabot sa mahigit 321,000 katao, habang 48,000 naman ang nasa paligid ng Quiapo Church.






