MANILA, Philippines – Matapos ang mahigit walong oras nang umalis sa Quirino Grandstand ay nakatawid na ang andas ng Poong Jesus Nazareno sa Palanca Street sa Maynila nitong tanghali ng Biyernes, Enero 9.
Sa ulat, umalis ang andas sa Quirino Grandstand 3:58 ng madaling araw o mas maaga sa itinakdang 4:41 ng umaga.
Sa crowd estimate ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 180,000 deboto ang nag-abang sa Ayala Bridge bandang alas-11 ng umaga.
Matapos tawirin ang Palanca Street ay daraan naman ang andas sa Quezon Boulevard. RNT/JGC