Home NATIONWIDE Hijos hinimatay sa gitna ng Traslacion

Hijos hinimatay sa gitna ng Traslacion

182
0

MANILA, Philippines – Isang Hijos del Nazareno ang hinimatay sa gitna ng prusisyon ng Poong Jesus Nazareno o Traslacion.

Ito ay bunsod na rin marahil ng init at pagod sa ilang oras nang prusisyon habang binabaybay ng andas ang kahabaan ng Quezon Boulevard.

Makikitang isinakay sa stretcher ang hijos habang patuloy pa ring nagpupumilit at sumasabay sa pagsampa sa andas ang mga deboto.

Sa kabila nito, nagpapatuloy ang pag-usad ng andas at kasalukuyang tinatawag ang Arlegui St.

Marami pa rin ang mga deboto na nag-aanyaya sa pagdaan ng andas sa makikipot na kalsada o ruta ng Traslacion sa Quiapo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here