MANILA, Philippines – Nilinaw ng Simbahan ng Quiapo na hindi related o walang kaugnayan sa Traslacion ang pagpanaw ng isang photo journalist habang siya ay tumutupad sa kanyang tungkulin madaling araw ng Enero 9.
Paliwanag ni Alex Irasga, technical adviser ng Nazareno 2026, nang mamaalam ang photo journalist ng Saksi Ngayon at Police Files na si Itoh Son ay hindi naman nasa loob ng prusisyon.
“Ito ay naganap dahil unang-una, siya ay may medical condition na hindi ito naganap because of the force or incident within the occassion or ongoing Traslacion.”
“Kumbaga, nagpersist po ito at hindi po ito naganap dahil siya ay nagpaparticipate ng ating Traslacion,” dagdag pa ni Irasga sa ginanap na press conference sa Quaipo Church ngayong hapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden