Home NATIONWIDE Lubid ng Andas naputol; hinila pabalik ng Simbahan

Lubid ng Andas naputol; hinila pabalik ng Simbahan

252
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Traslacion 2026 organizers na naputol ang lubid ng Andas ng Poong Hesus Nazareno habang tinatahak ang Quezon Boulevard.

Ayon sa Quiapo Church, nangyari ito sa pagitan ng alas-2:50 hanggang alas 3 ng hapon.

Ang naputol na lubid ay pinagkaguluhan ng mga deboto ngunit agad na nakuha ng mga Hijos del Nazareno.

Hinila ito pabalik sa Simbahan ng Quiapo at pinalitan ng bagong lubid upang agad ding makaarangkada ang prusisyon.

Samantala, sinabi rin ng pamunuan ng Quiapo na ang gulong ng andas ay hindi nasira.

Nauna nang sinabi ni Alexa Irasga, Technical adviser ng Nazareno 2026 na taon-taon talagang napupuno ang lubid kaya naman pinaghandaan na nila ito at naglaan ng reserba upang agad na mapalitan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here