Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, napikon sa babaeng di siya kilala!

Vice Ganda, napikon sa babaeng di siya kilala!

274
0

Manila, Philippines – Ginamit ni Vice Ganda bilang pagkakataon ang Showtime segment na Laro Laro Pick para “makaganti” sa isang babaeng nakasabay sa airport.

Isa sa mga contest ng naturang game ang napagbalingan ng host–kamukha daw ito ng babaeng ginawa siyang content.

Ang siste, nahuli na pala ni Vice Ganda ang babae sa airport as having silently uttered: “Ay, si Vice Ganda!”

Pero nang bini-video na ng babae ang host na nagmamadaling naglalakad sa loob ng airport ay maririnig ito na sinabing: “Ay, sino ba ‘to? Artista ito, eh…napapanood ko ito sa Pilipinas!”

Sabay bumaling ito kay Vice Ganda: “Pauwi ka na? Happy New Year!”

In fairness, bumati din ng happy new year ang host pero hindi nito napigilang resbakan ang babae: “Hindi mo nga ako kilala, ate, eh!”

Bakas ang pagkainis sa mukha ni Vice Ganda kahit nakasuot pa siya ng shades.

Sa Laro Laro Pick, the host couldn’t help but call out the woman na tinawag niyang “echosera” for not knowing who he is.

Ang palusot ng babae–Eat Bulaga na kasabay ng It’s Showtime ang pinanonood niya.

Vice Ganda opted to cut short ‘yung pag-call out niya sa babae para hindi na ito lalong ma-bash.

Oo nga naman, walang ipinagkalba si Vice Ganda at sa karakter na ginampanan noon ni Nora Aunor–si Magnolia dela Cruz.

Na kahit aso’y nakakakilala kay Magnolia! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here