Manila, Philippines – Nawa’y matagumpay sanang nairaos ni Chit Garina ang kanyang open heart surgery nitong January 7.
Si Mrs. Garina ay ang butihing ina ni Sue Ramirez who–on her Instagram on January 5–was asking for blood donations para dito.
Sue wrote: “Kumakatok po ako sa inyong mga puso. It may be too much to ask but if anyone here would be willing to donate blood for my mom, it would mean so much and could save her life.”
Sue needed donors na may blood type na B+, B-, O+ at O-.
In-acknowledge din ng nobya ni Dominic Roque na napakalaki ng naitutulong ng taimtim na dasal toward her mom’s recovery.
Aniya, kung hindi man daw siya makatanggap ng blood donations ay highly appreciated ang panalangin “for her healing and strength.”
Mukha namang marami ang tumugon sa panawagan ng aktres.
Hindi naman binanggit ni Sue ang karamdaman ng ina.
Mrs. Garina’s recovery would mean joy to her daughter.
Hangad namin ang paggaling ng celebrity mom. Ronnie Carrasco III