Home NATIONWIDE 150 rockfall, 90 PDC naitala sa Bulkang Mayon — Phivolcs

150 rockfall, 90 PDC naitala sa Bulkang Mayon — Phivolcs

213
0
Photo Courtesy: Father Paulo Barandon

MANILA, Philippines — Umabot sa 150 rockfall events at 90 pyroclastic density currents (PDCs) ang naitala sa Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado, Enero 10.

Batay sa 24-hour monitoring bulletin ng ahensya, nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan na nangangahulugang may intensified magmatic unrest.

Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, ang PDCs ay delikadong agos ng pinaghalong abo, bato at mainit na gas na maaaring umabot sa bilis na 100 kilometro bawat oras mula sa bunganga ng bulkan.

Naitala rin ang lava dome effusion at collapse na may paunang daloy ng lava. Nakikita rin ang crater glow kahit ng hubad na mata.

Nakapagbuga rin ang bulkan ng 214 tonelada ng sulfur dioxide at nagpalabas ng usok na umabot sa 500 metro ang taas na tinangay pahilagang-kanluran at timog-kanluran.

Patuloy ang pagbabawal ng Phivolcs sa pagpasok sa loob ng six-kilometer Permanent Danger Zone, sa extended danger zone nang walang sapat na pag-iingat, at sa paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.

Nagpaalala rin ang ahensya sa mga residente sa paligid ng posibleng panganib gaya ng rockfall, landslide, ballistic fragments, lava flow, PDCs, pagsabog at lahar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here