Home METRO Bulkang Taal nagtala ng 20 pagyanig

Bulkang Taal nagtala ng 20 pagyanig

244
0

BATANGAS, Philippines – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang 20 volcanic earthquakes sa Taal Volcano, Batangas noong Sabado, kabilang ang 14 volcanic tremors na tumagal mula 1 hanggang 125 minuto.

Naglabas din ang bulkan ng mahihinang plume na humimlay patimog-kanluran. Nanatili sa Alert Level 1 (Low-Level Unrest) ang Taal.

Pinayuhan ng PHIVOLCS na bawal pumasok sa Taal Volcano Island, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at iwasan ang boating o paglipad malapit sa bulkan.

Ayon sa ahensya, maaaring mangyari ang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at mapanganib na gas emissions. Noong Enero 9, nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption sa main crater. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here