Home METRO Protesta vs mining exploration sa Nueva Vizcaya, ipinatigil

Protesta vs mining exploration sa Nueva Vizcaya, ipinatigil

267
0

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Pinagtibay ng Regional Trial Court (RTC) ng Nueva Vizcaya ang utos na nagbabawal sa mga protesta, kabilang ang paglalagay ng barricades, laban sa mining exploration ng Woggle Corporation sa Dupax del Norte.

Ayon sa RTC Branch 30, dapat sanang isumite ng mga protesta nina Florentino Daynos at grupo sa Panel of Arbitrators ng DENR-MGB alinsunod sa Philippine Mining Act (RA 7942), at hindi sa pamamagitan ng pisikal na harang.

Inutusan ng korte ang mga protesters na tanggalin agad ang barricades sa Keon barangay road at itigil ang panghaharass sa Woggle at sa kanilang tauhan.

Binigyan din ng 72 oras ang mga abogado ng mga nasasakdal upang ipaalam sa kanilang kliyente ang kautusan, at pinayuhan na maaaring aresto o kasuhan ang sinumang lalabag.

Sa pahayag, sinabi ni Woggle GM Lorne Harvey: “The company respects and accepts the consolidated resolution issued by the court… committed to comply with all court orders and conduct operations responsibly.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here