Home METRO Mayon, may pagtaas ng seismic energy — Phivolcs

Mayon, may pagtaas ng seismic energy — Phivolcs

226
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Linggo na may pagtaas sa seismic energy release ng Bulkang Mayon, na nananatili sa Alert Level 3.

Ayon sa Phivolcs, isang “pronounced increase in real-time seismic energy release (RSAM)” ang naitala sa anim sa 16 monitoring stations ng Mayon Volcano Network. Sinabi ng ahensya na ang pagtaas ay dulot ng background tremor at walang naitalang ibang lindol na may kinalaman sa bulkan.

“This increase was induced by background tremor while no other volcanic earthquakes have been detected, which may be due to prevailing fully open vent conditions as the volcano effusively erupts,” ayon sa Phivolcs.

Gayunman, sinabi ng ahensya na walang naobserbahang pagtaas sa pamamaga o paggalaw ng lupa sa kabila ng pagtaas ng energy release. Nanatili rin sa near background levels ang sulfur dioxide emissions, na may average na 777 tonelada kada araw noong Sabado, Enero 10.

“As of advisory time, RSAM has begun decreasing, but this episode could forewarn of new intrusions into the Mayon edifice that could lead to further eruptive activity,” dagdag ng Phivolcs.

Muling pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na bawal pumasok sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) habang nasa Alert Level 3 ang bulkan. Pinayuhan din ang mga residente sa loob ng 8-kilometrong radius na maging handa sa posibleng paglikas sakaling itaas sa Alert Level 4 ang status ng Mayon.

Nagbabala rin ang ahensya laban sa lahars at rumaragasang putik sakaling magkaroon ng malalakas na ulan, at pinayuhan ang mga piloto na iwasang lumipad malapit sa tuktok ng bulkan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here