Home NATIONWIDE Kumalat na fake news sa kalusugan ni Ombudsman Remulla, iimbestigahan ng NBI

Kumalat na fake news sa kalusugan ni Ombudsman Remulla, iimbestigahan ng NBI

243
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Linggo, Ene. 11, na magsasagawa ito ng imbestigasyon upang alamin kung sino ang nasa likod ng kumalat na mga tsismis sa social media na umano’y kritikal ang kalagayan, naospital, at pumanaw si Ombudsman Jesus Crispin C. Remulla noong Disyembre.

Ayon kay NBI Director Angelito DLP. Magno, handa ang ahensya na tumulong sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Aniya, “In particular, the circulation of false information on social media regarding the alleged death of Ombudsman Remulla constitutes the dissemination of fake news through information and communications technology.”

Noong Huwebes, Ene. 8, pormal na humiling si Ombudsman Remulla sa NBI na imbestigahan ang maling impormasyong kumalat tungkol sa kanyang sakit, pagkakaospital, at sinasabing pagkamatay.

“We’ve reached the limit of cyber libel already. Tignan natin kung saan pupunta. I am asking the NBI to look into these allegations,” aniya.

Ipinaliwanag ni Magno na ang pagpapakalat ng ganitong maling impormasyon ay paglabag sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, na saklaw ng kapangyarihan ng NBI.

Dagdag pa niya, matagal nang tinutulungan ng NBI ang mga mamamayan laban sa misinformation, disinformation, at online libel.

“While the Bureau is flooded with cases of such nature, we always do our best to resolve them in the soonest possible time,” ani Magno.

Sinabi naman ni Remulla na ang mga walang basehang ulat tungkol sa kanyang kalusugan ay bahagi umano ng isang “orchestrated campaign” ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

May ideya na raw siya kung sino ang posibleng nasa likod nito, ngunit hindi na nagbigay ng detalye.

Bagama’t itinanggi na ang mga ulat ng kanyang kapatid na si DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla Jr., iginiit ng Ombudsman na haharapin niya ang isyu upang matukoy kung sino ang may pananagutan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here