MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang tumama sa jackpot ng Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 sa ginanap na draw noong Linggo ng gabi, Enero 11.
Sa Ultra Lotto 6/58, ang lumabas na winning combination ay 44-51-31-32-09-35, ngunit walang nanalo sa jackpot na nagkakahalaga ng P226.89 milyon.
Wala rin umani ng panalo sa Super Lotto 6/49 jackpot na may halagang P15.84 milyon. Ang mga numerong lumabas ay 32-26-12-22-30-36. RNT/MND