Home NATIONWIDE Lacson, binatikos si Sen. Imee sa alegasyon ng “soft pork” 2026 budget

Lacson, binatikos si Sen. Imee sa alegasyon ng “soft pork” 2026 budget

268
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang alegasyon ni Sen. Imee Marcos na may “soft pork” ang 2026 General Appropriations Act (GAA).

Ayon kay Lacson, may allocable fund si Marcos na P2.5–3.5 bilyon sa 2025 National Expenditure Program batay sa “Cabral files.”

“Eh kung ganun definition niya ng pork, eh siya yung merong pork. So wala siyang moral ascendancy para icriticize… unang-una member siya ng bicam. Bakit hindi siya nag-raise ng issue?” sabi ni Lacson.

Tinalakay rin niya ang reklamo ni Marcos laban sa Senate Blue Ribbon Committee, na umano’y pinipigilan ang kanyang grupo sa pagtatanong sa imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects.

“Di ko alam sinong sinasabi niyang nagbabawal: ako ba yun? Or Malacañang ba nagbabawal? Na hindi naman totoo,” dagdag niya.

Pinuna ni Lacson si Sgt. Orly Guteza na nawawala at hindi pa nakapagpatunay ng alegasyon laban kay dating Speaker Martin Romualdez at dating Rep. Zaldy Co.

“Ang problema sumulpot siya minsan tas nawala na siyang parang bula…Katunayan hanggang ngayon nawawala siya,” ani Lacson.

Sinabi rin ng senador na ang pang-iinsulto ni Marcos sa komite ay nakakasira sa integridad nito: “Iniinsulto niya ang Blue Ribbon. Inuundermine niya ang integridad ng komite na member din siya.”

Patungkol sa tinatawag na “meow-meow” sa Senado, sinabi ni Lacson: “Baka gusto niyang mag-apply ng ‘meow meow’ ng Senado…Ayaw naming magkaroon ng ‘meow-meow’ sa Senate pero parang may gusto may mag apply.”

Hindi rin siya nagkomento sa posibleng koneksyon ng pork sa impeachment laban kay VP Sara Duterte, at iginiit na ang Senado ay dapat manatiling patas: “Under the Constitution, the House has the power to impeach, and the Senate has the power to convict or acquit.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here