MANILA, Philippines – Inihayag ni DPWH Secretary Vince Dizon na kanilang bibigyang prayoridad ang pagsasaayos ng Maharlika Highway sa mga susunod na araw.
Sinabi ni Dizon sa press conference nitong Lunes ng umaga na ang nasabing kalsada ay matagal nang inirereklamo ng mga motorista.
Ito kasi ang kalsada na maaring daanan para makatungo sa mga expressway, tulay, paliparan at mga pantalan.
Ayon kay Dizon isa ang Maharlika Highway sa kanilang tututukan dahil ito ang o ang unahang kalsada mula Luzon hanggang Mindanao.
Bukod sa nasabing highway, sisikapin rin tapusin ng DPWH ang mga sira-sirang kalsada, kalye at mga tulay habang malapit na rin matapos ang phase 1 ng EDSA rehabilitation.
Giit ni Dizon sisikapin nila na matapos ang mga nakain yang proyekto na magbebenipisyo ang taumbayan kahit pa mababa ang pondo na inilaan sa kanilang tanggapan. Jocelyn Tabangcura-Domenden