Home METRO Pamunuan ng Sto Niño church sa Maynila, handa na sa kapistahan sa...

Pamunuan ng Sto Niño church sa Maynila, handa na sa kapistahan sa Enero 18

290
0

MANILA, Philippines – Kasado na ang paghahanda ng pamunuan ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo at Sto. Niño de Pandacan Parish para sa kapistahan ng Señor Santo Niño sa Enero 18.

Sa nasabing kapisatahn isasagawa rin ang 33 misa at gaganapin ang Lakbay aral Festival 2026 sa Tondo, Maynila sa Sabado ganap na alas-7 ng umaga.

Inaasahan ding dadaluhan ito ng libo-libong mga deboto.

Kahapon ay sinimulan na ang prusisyon ng replica ng Señor Sto. Niño sa Maynila na may ibat-ibang laki at liit habang bitbit ng mga nakiisa at ang iba naman ay nakasakay sa carosa.

Sa kasaysayan napag-alaman na ikalawang pinakamatandang imahen ng Santo Niño sa Pilipinas ang imahen ng Señor Santo Niño de Tondo na dinala ng mga paring Agustino noong 1572 habang ang imahe ng Señor Santo Niño de Cebu ang pinakamatandang imahen ng Santo Niño sa bansa.

Katulad sa pagdiriwang ng katatapos lamang na kapistahan ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, ang Manila Police District (MPD) ay nagsagawa rin ng paghahanda lalo na ang security plan para sa naturang kapistahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here