THE HAGUE, Netherlands – Tinanggihan ng International Criminal Court’s Pre-Trial Chamber I (ICC PTC I) ang kahilingan ng depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na payagan silang i-appeal ang naunang desisyon na nagbawal sa kanila na ma-access ang communications sa pagitan ng court registry at panel ng eksperto sa kanyang fitness to stand trial.
Ayon sa PTC, ang interlocutory appeals ay exceptional at dapat matugunan ang tiyak na requirements, kabilang na kung makakaapekto ito sa fair at mabilis na daloy ng proceedings o sa outcome ng trial, at kung kailangan agad ng Appeals Chamber para ma-advance ang kaso.
“Sa malaking bahagi, inuulit lamang ng depensa ang argumento at sinusubukang muling pag-usapan ang mga isyung natalakay na sa desisyon tungkol sa Disclosure of Communications,” sabi ng PTC.
Idinagdag nila na maling inilalarawan ng depensa ang desisyon bilang base sa kakulangan ng kalinawan ng instructions sa Registry.
Dahil dito, tinanggihan ng PTC ang kahilingan ng depensa ni Duterte. RNT/MND