Home ENTERTAINMENT Wedding cake ni Carla, trending sa US!

Wedding cake ni Carla, trending sa US!

230
0

Manila, Philippines – Sheet cake o slab cake pala ang tawag sa napiling wedding cake ni Carla Abellana sa kanyang pag-iisang-dibdib kay Dr. Reginald Santos noong December 27, 2025.

Bagama’t binura na niya, matatandaang ikinumpara ni Janus del Prado sa kabaong ang narurang puting cake.

With a rectangular shape, may mga puting bulaklak din ito na ani Janus: “Sisiw na lang ang kulang!”

Sa halip na mapikon, Carla’s reaction was polite–idinaan pa nga niya ito sa biro.

Edible daw ang cake at nagustuhan ng mga nagsidalo sa kasal.

Kaya sheet cake ang tawag du’n ay dahil ginagamitan ito ng sheet pan.

Na-fearure na nga daw ito sa New York Times and Brides.com as early as 2023.

Ang Cakie Studio ang gumawa ng sheet cake ni Carla.

It’s made of delicious ingredients, ayon pa sa ulat ng PEP.

“Featuring layers of cotton-soft chiffon cake with mixed berriee compote, whipped cream cheese and fresh berries in between.”

Marami din daw bersyon ito.

Ano’ng sey mo, Janus? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here