Home NATIONWIDE 10 pang luxury vehicles ni Zaldy Co target ng HPG

10 pang luxury vehicles ni Zaldy Co target ng HPG

201
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Highway Patrol Group (HPG) nitong Lunes, Enero 12 na pinaghahanap pa nito ang 10 pang luxury cars na iniuugnay kay dating House of Representatives appropriations chairperson at resigned Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na ang 24 sasakyan ay pagmamay-ari ni Co at mga kompanyang konektado sa kanya na nakatago sa parking area sa isang condominium sa Taguig City, sinabi ni HPG Director Brig. Gen. Hansel Marantan sa press briefing sa Camp Crame.

“Ten more vehicles are still on the Highway Patrol Group’s list. Those are the ones we are looking for,” ani Marantan.

Bagamat tumanggi siyang pangalanan ang mga modelo at plaka ng mga natitirang sasakyan, sinabi ni Marantan na ang mga ito ay nasa kustodiya ng mga tauhan ni Co.

Nasa 14 sa umano’y 24 na sasakyan ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Taguig noong Huwebes.

Nilinaw naman ni Marantan na tanging 12 sa 14 sasakyan ang narekober at itinurn-over sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Biyernes.

Ayon sa HPG director, ang dalawa iba pang sasakyan ay nananatili sa condominium sa Taguig dahil hindi ito mapatakbo.

“We are still retrieving the two vehicles… One has no key, and the other has a key but doesn’t seem to start. Since they’re luxury vehicles, we are being very careful. We don’t want to damage them.”

Nagpadala na ang HPG ng team para magsagawa ng forensic tests sa lahat ng mga sasakyan na nadiskubre at biniberipika rin ang mga clearance, chassis numbers, at iba pang registration documents.

Idinagdag pa na nakatanggap umano ang pulisya ng mga report na may mga armas na itinago sa mga sasakyan.

“No firearms were found. But we are still verifying,” ani Marantan.

Wala pang tugon ang legal counsel ni Co kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here