Home NATIONWIDE Anti-epal rules ipatutupad ng DSWD sa pamamahagi ng mga ayuda

Anti-epal rules ipatutupad ng DSWD sa pamamahagi ng mga ayuda

253
0

MANILA, Philippines – Nangako si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian nitong Lunes, Enero 12, na magiging aktibo ang ahensya sa pagbabawal sa mga politiko na umepal sa pamamahagi ng anumang tulong ng pamahalaan.

Sa press briefing, sinabi ni Gatchalian na bagamat kumpiyansa siyang propesyunal ang mga social worker ng DSWD, hindi rin niya papayagan ang mga ito na magtungo sa distribution sites kung naroroon ang mga politiko.

Idinagdag pa ni Gatchalian na ang DSWD ay may kapangyarihan na ipatigil ang pamamahagi ng mga ayuda kung bigla na lamang may lilitaw na politiko.

Nang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12314, o ang General Appropriations Act (GAA), sinabi niya na ang mga politiko ay pagbabawalang makialam sa pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan at sinabi pang “we shall ensure that the support reaches the intended beneficiaries without patronage.”

Ang “anti-epal” special provision ay kabilang sa batas na nagbabawal sa mga politiko na gamitin ang mga programa ng pamahalaan, proyekto o pondo para magpabango sa publiko. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here