Home NATIONWIDE Marcos: Imbestigasyon sa posibleng impeachment ni VP Sara, dapat patas

Marcos: Imbestigasyon sa posibleng impeachment ni VP Sara, dapat patas

228
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kung may ihahaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, dapat itong tratuhin sa parehong paraan ng mga kasalukuyang imbestigasyon sa alleged flood control anomalies.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, personal na sinabi ito ng Pangulo nang tanungin siya tungkol sa mga ulat ng posibleng impeachment laban sa Bise Presidente.

Ibig sabihin, pananagutan ang dapat managot, walang sinisino.

“Kung ano po ang pagtrato sa pag-iimbestiga sa mga anomalyang flood control projects, ganoon din po ang gawing pagtrato sa paggagawa or sa pag-iimbestiga patungkol dito sa impeachment complaint laban kay VP Sara,” ani Castro.

“Ibig sabihin, managot ang dapat managot,” dagdag niya.

Nilinaw din ng Malacañang na kung may mga isyu at ebidensiya ng maling gawain, dapat itong masusing imbestigahan kahit sino pa ang sangkot.

Tungkol naman sa posibleng suporta o pagtutol ng Pangulo sa impeachment, sinabi ni Castro na wala umanong direktang utos si Marcos na hadlangan ito.

Sa halip, igagalang umano ng Pangulo ang proseso ng Konstitusyon.

“Kung ang prosesong iyan ay dapat masampa ayon sa mga ebidensiya, igagalang po ng Pangulo ang proseso,” ani Castro.

Inamin din niya na dati ay sinabi ni Marcos na hindi makabubuti sa karaniwang Pilipino ang impeachment, ngunit ayon sa kanya, nagbago na ang sitwasyon dahil mas lumawak na umano ang mga isyung lumilitaw ngayon.

“Hindi pa siguro nakikita kung gaano kalawak ang maaaring naging isyu noon,” ani Castro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here