Home NATIONWIDE NUP maghahain ng bagong kaso laban kay Rep. Barzaga

NUP maghahain ng bagong kaso laban kay Rep. Barzaga

206
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng lider ng National Unity Party (NUP) nitong Martes na maghahain sila ng panibagong legal na hakbang laban kay Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga, matapos nitong akusahan ang ilang mambabatas na tumanggap umano ng suhol para suportahan si dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Deputy Speaker at Antipolo Rep. Ronaldo Puno, chair ng NUP, walang basehan at malisyoso ang mga paratang, lalo’t walang naging laban sa speakership noong simula ng 20th Congress dahil walang kalaban si Romualdez.

“There was no contest. To claim that bribes were paid in a situation where there was no contest at all defies logic,” ani Puno.

Dagdag pa niya, maghahain siya ng kaso laban kay Barzaga, at pati ang ibang miyembro ng partido na nadawit ay magsasampa rin ng legal na aksyon.

Inakusahan ni Barzaga, isang dating miyembro ng NUP, sa social media at mga pahayag sa publiko na tumanggap umano ng suhol ang kanyang dating mga kaalyado mula kay businessman Enrique Razon kapalit ng suporta kay Romualdez sa 2025 House speakership race.

“He chose to malign all members of the NUP, a party once led by his own father and one that he himself joined,” sabi ni Puno.

“To turn around and accuse the NUP of criminal conduct, without evidence, shows a reckless and deeply irresponsible contempt for the truth.”

Ito ang pinakahuling yugto ng alitan ng NUP at ni Barzaga, na sinuspinde ng 60 araw noong Disyembre dahil sa asal na hindi umano angkop sa isang opisyal ng gobyerno.

Nauna na rin siyang maharap sa ethics complaint dahil sa pagpo-post ng hindi angkop na larawan, pangungutya sa kapwa mambabatas, at pagpapakalat ng mga conspiracy theory sa social media.

Ang NUP ang ikalawang pinakamalaking partido sa House of Representatives. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here