Manila, Philippines – Hindi pala sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo ang original choice para magbida sa pelikulang Unmarry.
Ang Unmarry produced by Quantum Films ay isa sa walong opisyal na kalahok sa 51st Metro Manila Film Festival last year.
Ayon sa iniulat ng Showbiz Update, manager cum vlogger Ogie Diaz shared that Unmarry was supposedly the reunion movie of Judy Ann Santos and Piolo Pascual.
Ito daw ang nakalap na tsika ni Ogie–na ewan kung totoo nga.
Ang problema, isa daw kina Juday at Papa P ang hindi pumuwede.
“Hindi ko na sasabihin kung sino…basta isa sa kanila, hindi puwede kaya hindi na rin pumuwede ‘yung isa,” tsika ni Ogie.
If true, nakakapanghinayang na hindi natuloy ang Juday-Piolo reunion flick sa dami na rin ng nag-aabang nito.
Pero binigyang-katwiran ni Ogie kahit sa iba napunta ang Unmarry.
Ani Ogie: “Hindi na importante kung first o second choice ang isang artista…ang mahalaga na-pull off naman nina Angelica at Zanjoe ‘yon!”
So far din naman, maganda ang box office performance nito kahit hindi Ito nanguna.
Overall nga lang, kumpara sa mga nakalipas na MMFF ay mahina last year.
Ang kawalan daw ng pambatang pelikula ang dahilan why the 51st MMFF wasn’t as successful as the previous years.
Ito daw ang dahilan kung bakit ngayong MMFF 2026 ay sasali na si Bossing Vic Sotto with an entry for the kids. Ronnie Carrasco III