Home METRO Motor vs motor: 61-anyos na rider tigok sa salpok

Motor vs motor: 61-anyos na rider tigok sa salpok

204
0

URDANETA CITY, Pangasinan — Patay ang isang 61-anyos na rider matapos makasalpukan ang minamaneho niyang motorsiklo sa isa pang motorsiklo noong Linggo ng gabi sa Barangay Cabaruan.

Idineklarang dead on arrival ang biktima sa ospital dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Sugatan naman ang dalawang sakay sa kabilang motorsiklo at dinala rin sa ospital.

Ayon sa awtoridad, walang suot na helmet ang lahat ng sangkot. Sinabi ng pulis na posibleng miscalculation sa daan ang dahilan ng head-on collision.

Patuloy pa ring kinukuha ang pahayag ng mga kaanak ng biktima at iba pang sangkot sa insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here