UN – Inakusahan ng Iran si United States President Donald Trump ng pagpapalaganap ng political destabilization, karahasan, at pagbabanta sa soberanya, teritoryo, at pambansang seguridad ng bansa.
Ayon sa liham ni Iran’s UN Ambassador Amir Saeid Iravani na ipinadala sa UN Security Council at kay UN Secretary-General Antonio Guterres, ang Estados Unidos at Israel ay “may direktang at hindi maikakailang legal na pananagutan sa pagkawala ng inosenteng buhay, partikular sa mga kabataan.”
Inilabas ang liham bilang tugon sa isang social media post ni Trump noong parehong araw. RNT