Home HOME BANNER STORY Signal no. 1 itinaas sa ilang parte ng bansa sa hagupit ni...

Signal no. 1 itinaas sa ilang parte ng bansa sa hagupit ni TD Ada

244
0

MANILA, Philippines – Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang parte ng bansa dahil sa Tropical Depression Ada, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang TD Ada, 635 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur bandang 10 a.m. nitong Miyerkules, Enero 14.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 45 kph at pagbugsong hanggang 55 kph, habang kumikilos pa-northwest sa bilis na 35 kph.

Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

Ayon sa Pagasa, ang Signal No. 1 ay nagbababala ng malalakas na hangin na 39 hanggang 61 kph sa loob ng susunod na 36 oras, na may “minimal to minor threat to life and property.”

Sinabi rin ng Pagasa na “Ada will move west-northwestward to northwestward over the next three days” at inaasahang “reach Tropical Storm category within the next 24 hours” habang patuloy na lumalakas sa Philippine Sea. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here