Home HOME BANNER STORY Remulla: P1-B suhol sa pagtahimik sa flood control scandal, tinanggihan

Remulla: P1-B suhol sa pagtahimik sa flood control scandal, tinanggihan

254
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na inalok umano siya at ang kapatid niyang si Ombudsman Jesus Crispin Remulla ng P1 bilyon upang mag-“quiet down” ang imbestigasyon sa flood control projects, ngunit mariin nila itong tinanggihan.

Ayon kay Remulla, ang alok ay ginawa ng isang “mutual friend” ng isang personalidad na sangkot sa iskandalo, sa isang pribadong pulong dalawang linggo na ang nakalilipas, batay sa kanyang panayam noong Miyerkules.

“This is just one client. One suspect… I don’t know them. I’ve never spent time in Congress, right? I’ve always been in local government, so I don’t really know them that much. So, they have friends who are also my friends,” ani Remulla.

Nang tanungin kung ano ang kapalit ng alok, sinabi niya: “To quiet down the case… so they would not be indicted.”

Agad din umano niyang ipinaalam ang insidente kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“[The president] knew it was bound to happen, but he acknowledged that what I did was right because I had already refused,” dagdag niya.

Sa ngayon, 26 na indibidwal na ang sinampahan ng kaso kaugnay ng flood control scandal: 16 sa isang P289.5-milyong proyekto sa Occidental Mindoro at 10 sa P96.5-milyong proyekto sa Davao Occidental.

Kasama sa Mindoro case si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, na nananatiling pinaghahanap, habang sa Davao case naman ay si contractor Sarah Discaya, na sumuko noong Disyembre kasama ang siyam na iba pa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here