Home METRO Wanted sa kasong pagpatay sa Malabon, arestado sa Bataan

Wanted sa kasong pagpatay sa Malabon, arestado sa Bataan

1
0

MALABON CITY, Philippines – Arestado ang isang lalaki na wanted sa kaso ng pagpatay sa Lungsod ng Malabon nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Bataan.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ang akusado bilang si alyas “Toyo”, 31, at nakatala bilang No. 1 Top Most Wanted Person sa NPD.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission na nagtatago umano ang akusado sa nasabing probinsya kaya agad nagkasa ang pulisya ng manhunt operation laban sa puganti.

Pasado alas-10:35 ng umaga nang tuluyang masukol ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Malabon CPS si alyas Toyo sa kanyang hide out sa Hermosa, Bataan.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ang arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 291, Malabon City, noong October 24, 2023, para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Malabon CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Malabon City Jail. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here