Home NATIONWIDE DENR: Reclamation projects ‘di lunas sa baha

DENR: Reclamation projects ‘di lunas sa baha

237
0

MANILA, Philippines – Taliwas sa pahayag ng Philippine Reclamation Authority (PRA), sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Enero 14 na hindi nakakatulong sa pagbawas ng baha ang reclamation projects at maaari pang humadlang sa natural na daloy ng tubig patungong Manila Bay.

Ani Raquel Malubag, project management specialist ng DENR: “Personally, it really affects… For example, if lalagyan mo talaga ng lupa, pwedeng mabarahan ‘yung daanan ng tubig. So it’s really prone to flooding. So, no.”

Sinabi niya ito nang tanungin kung sang-ayon ba ang DENR sa PRA na nakatutulong ang reclamation sa pagbawas ng baha. Pinuri ng mga kalahok sa forum—mga simbahan, environmental advocates, mangingisda, kabataan, at civil society groups—ang pahayag ni Malubag.

“Of course, we are for the people po kasi we are trying to rehabilitate Manila Bay. How can we rehabilitate the bay if there are so many reclamations ongoing, personal opinion ko,” ani Malubag.

Dagdag niya, nilalabag ng reclamation projects ang obligasyon ng gobyerno na ibalik sa ayos ang Manila Bay ayon sa kautusan ng Korte Suprema:

“Actually, kung may power lang po ang office namin, once we know na may reclamation, dapat ‘no’ agad kasi it will affect the rehabilitation of the bay baka hindi po namin magawa ‘yung utos ni Supreme Court.”

Ayon sa DENR, 19 sa 21 reclamation projects sa Manila Bay ay nakasuspinde hanggang matapos ang cumulative impact assessment na iniutos ni Pangulong Marcos.

Kritiko gaya ng Oceana at Pamalakaya ay tinawag na mali at walang basehan sa agham ang PRA sa pagpapahayag na nakatutulong sa baha ang reclamation. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here