Home HOME BANNER STORY Solar Philippines, dinepensahan ni Leviste sa P24-B multa ng DOE

Solar Philippines, dinepensahan ni Leviste sa P24-B multa ng DOE

205
0

MANILA, Philippines – Pinagtanggol ni Batangas First District Rep. Leandro Leviste ang kompanyang itinatag niya matapos patawan ng P24-bilyong multa ng Department of Energy (DOE) dahil sa hindi pagtupad sa commitments.

“Wala akong nakuhang kahit piso mula sa gobyerno. Ang aking pera ay nagmula sa pribadong negosyo,” ani Leviste.

Aniya, nakapagpatayo ang Solar Philippines ng pinakamalaking renewable energy capacity sa bansa at nakapag-akit ng malaking foreign investment noong 2025.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, tinanggal ng DOE ang 17,000-megawatt capacity ng renewable service contracts dahil sa kabiguang mag-deliver, kung saan higit 11,000 MW ang mula sa Solar Philippines.

“Marami siyang financial obligations na babayaran sa gobyerno… Kailangan may disiplina kasi kikita naman sila dito,” sabi ni Garin.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Leviste na mula pa noong Setyembre ay binabalaan siya na maaaring magkaroon ng kaso kung ilalabas niya ang tinaguriang ‘Cabral Files,’ kaugnay ng flood control scandal.

“Iginagalang ko ang mga kawani ng gobyerno at tutugon ako sa kanilang mga pahayag sa tamang forum… Lubos ang aking pasasalamat sa mga nananawagan para sa transparency sa paggamit ng pondo ng bayan,” dagdag niya.

Tinukoy ni Leviste na umaasa siyang ilalabas ng Ombudsman ang ‘Cabral Files’ sa publiko. Sinabi rin ni Garin na hindi pulitikal ang desisyon ng DOE sa pagkansela ng service contracts. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here