Home METRO Ipo dam, nagpakawala ng tubig sa paghahanda sa hagupit ni TD Ada

Ipo dam, nagpakawala ng tubig sa paghahanda sa hagupit ni TD Ada

196
0

BULACAN, Philippines – Binuksan ang isang gate ng Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan nitong Miyerkules bilang paghahanda sa posibleng pag-ulan dulot ng Tropical Depression Ada.

Ayon sa PAGASA, ang isang gate ay nakabukas sa 0.2 metro, nagbubuga ng tubig sa 37.90 cubic meters per second.

“Mahina lang ito kaya hindi tayo nag-eexpect ng major impact sa ating mga ilog,” sabi ni PAGASA hydrologist Juan Paulo Pamintuan.

Inaasahang maaapektuhan ng water release ang ilang lugar sa Bulacan tulad ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy.

Sa parehong araw, anim na lugar sa Visayas at Mindanao ay nasa Signal No. 1 dahil kay Ada: Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

Ang sentro ng tropical depression ay nasa 635 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lakas ng hangin na 45 km/h, bugso hanggang 55 km/h, at presyon na 1004 hPa.

Inaasahang tutungo sa Eastern Visayas si Ada sa Enero 16–17, at sa Catanduanes sa Enero 18 bago ito liliko pakanan sa silangan ng Luzon.

Inaasahang lalakas ito bilang tropical storm sa susunod na 24 oras at patuloy na lalakas sa Philippine Sea. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here