Manila, Philippines – Not only is popularity a major factor para mapabilang sa mga nangungunang Instagram influencers ng bansa.
This Year of the Fire Horse, inilabas ni Elena Freeman mula sa Favikon–isang Al-powered influencer marketing platform–ang Top 20 sa listahan nito.
Bukod sa kasikatan, dagdag puntos ang impluwensya, engagement at kunek sa mga fans ang ginawang basis ng selection.
Nangunguna si Nadine Lustre na may 12.9 million IG followers.
Top 1 ang aktres dahil sa adbokasiya niya sa wellness, lifestyle at suporta sa local at sustainable products–isama na ang pagtulong niya sa ating mga farmers.
Coming in second is Andrea Brillantes na may 96/100 IG score.
Naging batayan dito ang pagiging CEO at founder ng aktres ng Lucky Beauty, Inc. kung saan click ang kanyang makeup content at patikim sa kanyang showbiz at personal life.