Home NATIONWIDE PCG nakahanda sa epekto ng Tropical Storm Ada

PCG nakahanda sa epekto ng Tropical Storm Ada

213
0

MANILA, Philippines – Nakahanda ang Philippine Coast Guard (PCG) sa maaaring epekto ng pagtama ng bagyong Ada sa ilang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, isina-aktibo ng Coast Guard Station (CGS) Northern Quezon at mga Sub-station nito ang Deployable Response Groups (DRG) upang matiyak ang maagap at mabilis na pagtugon sa anumang insidente o sakunang maaaring idulot ng masamang panahon.

Bukod dito, nagsagawa rin ng kaukulang koordinasyon ang CGS Northern Quezon sa mga lokal na pamahalaan at kaugnay na ahensya upang mapalakas ang kahandaan at masiguro ang epektibong pagresponde sa mga posibleng sitwasyong dulot ng paparating na bagyo.

Sa mga mangingisda at biyahero, mahigpit na ring pinaalalahanan ng PCG na huwag munang pumalaot at sumunod sa mga alituntunin.

Pinayuhan din sila na makinig lamang sa mga opisyal na abiso at babala mula sa PAGASA at PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here