MANILA, Philippines – Sinabi ni Batangas Representative Leandro Leviste nitong Biyernes na magsasampa siya ng kasong libel laban kay Palace Press Office Undersecretary Claire Castro.
Sa isang panayam sa isang ulat, sinabi ni Leviste na patungo siya sa Batangas upang isampa ang reklamo.
“Ako po ay on the way sa Batangas ngayon dahil magsasampa po ako ng kasong libel kay PCO Undersecretary Claire Castro for libelous statements dahil hindi ko po binenta ang kumpanya na may prangkisa na sinabi niya multiple times na binenta ko ang prangkisa,” aniya. RNT