Home NATIONWIDE Renato Reyes pumalag; subpoena tinawag na harassment

Renato Reyes pumalag; subpoena tinawag na harassment

196
0

MANILA, Philippines – Pumalag ang activity leader na si Renato Reyes Jr. sa subpoena na kanyang natanggap mula sa Department of Justice kaugnay sa kasong sedition at cybercrime.

Sa inilabas na pahayag ni Reyes na pangulo ng grupong Bayan, “manufactured” at “baseless” ang mga alegasyon laban sa kanya at aniya ay bahagi ng umano’y “harassment” para patahimikin ang mga kritiko ng pamahalaan.

Sinabi ni Reyes na naging bahagi lamang siya ng protestang isinagawa sa Mendiola noong Setyembre 21, 2025.

Pinunto rin ni Reyes na may epekto sa mas malawak na anti-corruption movement ang pagsasampa ng kaso sa mga aktibista at estudyante.

Nanawagan din si Reyes sa mga grupo na tutulan ang aniya’y patuloy na pag-target sa mga dissenters.

“This fascist attack seeks to discourage public participate on in the movement to hold corruption officials and a corruption system accountable,” ayon pa sa Facebook post ni Bayan President Renato Reyes Jr.

Ang pahayag ni Reyes ay matapos ipatawag ng Department of Justice para dumalo sa paunang imbestigasyon sa naturang mga kaso laban sa kanya.

Nakasaad sa subpoena na saklaw ng reklamo ang paglabag sa Articles 139 at 142 ng Revised Penal Cole at Section 6 ng Cyber crime Preventing Act. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here