Home ENTERTAINMENT Jen, pinagbabawalan si Dennis na dalawin ang kaanak?

Jen, pinagbabawalan si Dennis na dalawin ang kaanak?

218
0

Manila, Philippines – Patanong na tinalakay ni Ogie Diaz ang paksa tungkol sa umano’y ‘di pagiging on good terms ni Jennylyn Mercado sa mga kaanak ng asawang si Dennis Trillo.

Pangalawang beses na daw naulinigan ‘yon ni Ogie.

Apat na taon nang magkasama ang couple, yet all this time ay hindi daw nagpaparamdam ang aktres sa family ni Dennis.

Dumating daw ang mga importanteng okasyon tulad ng Pasko’t Bagong Taon pero waley.

Dagdag pa ni Ogie quoting his source, ayaw daw payagan ni Jennylyn na dumalaw man lang ang mister sa pamilya nito.

Kaya naman hindi nakikita ni Dennis ang kanyang mga sisters.

Maging ang mga may-edad nang magulang ni Dennis ay ayaw payagang kitain ng asawa.

In fairness, up to now ay suportado ni Dennis ang kanyang mga magulang na naka-base sa Taytay, Rizal.

Naospital nga daw ang ama ng aktor na hindi nito nadalaw man lang, pero nagpadala na lang ng video greeting from their child Dylan.

Taong 2025 when Dennis had lunch with the family pero nakiusap daw ito na huwag sumipot ang mga sisters na ayaw makita ni Jennylyn.

Hangga’t kaya daw ni Dennis ay binabalanse niya ang “tensyon.”

Bukas ang panig ni Jennylyn sa usaping ito. Ronnie Carrasco IIi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here