Home SPORTS Gymnasts Olympic champ Carlos Yulo sasabak sa sports na tennisSPORTSSPORTS BANNER STORYTOP STORIES Gymnasts Olympic champ Carlos Yulo sasabak sa sports na tennisNovember 18, 2026 12:3330 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Todo ang paghahanda ni Pinoy two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo para sa napipinto nitong pagsabak sa larong tennis.Ayon sa ulat, kabilang si Yulo sa homecoming event ni Pinay tennis star Alex Eala na gaganapin sa buwan ng Disyembre sa Philippine Arena.Sa inilabas na video makikitang kasama ni Yulo na nag-eensayo ang kanyang nobya na si Chloe San Jose.Dahil sa pagsali ay itinuturing na ang event bilang Philippine Sports all-stars dahil makakasama rin si boxing champion Manny Pacquiao.Bukod sa mga sikat na personalidad ng sports, makakasama rin nila ang ibang mga artista para maglaro sa nasabing exhibition game.Para sa main event, sasagupa si Eala kay WTA Southeast Asian champion Janice Tjen ng Indonesia.Sa kasalukuyan, nasa ranked number 15 si Eala sa pinakahuling ranking ng Womens Tennis Association.JC