Home METRO Babaeng wanted sa Makati, laglag sa Valenzuela

Babaeng wanted sa Makati, laglag sa Valenzuela

231
0

MANILA, Philippines – Isang babae na wanted sa kasong Qualified Theft sa Lungsod ng Makati ang shoot sa kulungan matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, ang akusado ay isang 30-anyos na bebot.

Napag-alaman ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS na may warrant of arrest ang akusado na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 135, Makati City nitong January 14, 2026 para sa pitong bilang na kasong Qualified Theft.

Nang makatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa Valenzuela City ay agad ikinasa ng mga operatiba ng WSS ang pagtugis sa kanya.

Sa bisa ng warrant of arrest , tuluyang naaresto ang akusado sa kahabaan ng G. Lazaro Street, Barangay Dalandanan at halagang P280,000 Ang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya nito. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here