MANILA, Philippines – Patapos na ang trabaho ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na may tungkulin na imbestigahan ang flood control corruption is “coming towards the end.”
“[T]hey really are coming towards the end—Lahat ng kailangang imbestigahan, naimbestigahan na nila. Maybe there are one or two other loose ends that they have to clear up,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang chance interview kasama ang Palace reporters sa inagurasyon ng Manila Water and Metropolitan Waterworks and Sewerage System’s Aglipay Sewage Treatment Plant (STP) sa Mandaluyong City.
Iyon nga lamang, sinabi ng Pangulo na ang pamamalagi ng ICI ay nakadepende kung gaano pa ang naiwang trabaho nito.
“Kung matapos na yung trabaho nila, then we will see what they can do next. But they really are coming toward the end– lahat ng kailangang imbestigahan, naimbestigahan na nila. Maybe there are one or two other loose ends that they have to clear up,” pahayag ng Pangulo.
Sa kabilang dako, Patuloy namang nagsisilbi si dating Supreme Court Justice Andres Reyes Jr. bilang chairperson ng ICI, habang ang mga komisyoner na sina Rogelio Singson at Rossana Fajardo ay tinapos na ang kanilang pagseserbisyo makaraang matapos na rin ang trabahong iniatas sa kanila.
Kasama ni Reyes sa ICI ang mga miyembro ng working staff, kabilang sina Executive Director Brian Hosaka at Special Adviser, dating hepe ng Philippine National Police na si Rodolfo Azurin Jr.
At nang tanungin naman sa plano kung muling magtatalaga ng mga bagong komisyoner, sinabi ni Pangulong Marcos na nakadepende ito kung makukumpleto na ng ICI ang kanilang trabaho.
“Hindi pa namin napagdedesisyunan. Muli, nakasalalay ito sa kinakaharap na trabaho ng ICI. Pag kailangan pa, then we will. But if the work is done, kung naibigay na lahat ng information sa DOJ (Department of Justice) at saka sa Ombudsman, then the focus now of the investigation will go to the DOJ and the Ombudsman,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
“Kung matapos na trabaho nila, then we will see what they can do next,” aniya pa rin.
Sinabi naman ng ICI na hindi nitong magawang ipagpatuloy ang opisyal na operasyon kasunod ng pagbibitiw ng dalawang Commissioner.
Nagbitiw na kasi sa puwesto bilang mga ICI members sina dating Department Of Public Works And Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson at Rosanna Fajardo at ang naiwan na lamang sa komisyon ay si ICI chairperson Justice Andres Reyes.
Sa isang kalatas, sinabi ng ICI na itinakda ng Executive Order No. 94 na ang komisyon ay binubuo ng chairperson at dalawang miyembro.
“As a collegial body, the ICI may take official action only with the approval of a majority of its members,” ang sinabi ng ICI.
“Consequently, following the resignation of its two commissioners, the Commission is unable to resume its official operations until a quorum is restored,” dagdag na pahayag ng ICI.
Mismong si ICI chairman Andres Reyes Jr. ang nag-anunsiyo ng pagbibitiw ni Singson mula sa ICI dahil sa kanyang edad at ang stressful na trabaho sa ICI habang si Fajardo naman ay sa dahilang tapos na ang kanyang tungkulin.
“We haven’t really decided on that yet. Again, it all depends on the work that ICI still has in front of them. Pag kailangan pa, then we will. But if the work is done, kung naibigay na lahat ng information sa DOJ tsaka sa Ombudsman, then the focus now of the investigation will go to the DOJ and the Ombudsman,” ang pahayag naman ni Pangulong Marcos.
Nauna nang sinabi ni ICI special adviser Rodolfo Azurin Jr. na hindi magawa ng ICI ng anumang referrals dahil sa kakulangan ng mga komisyonado.
“In the meantime, the Commission continues to process, organize, document, and safeguard all records and evidence in its custody,” ayon sa ICI.
Sinabi ng ICI, nakapaghain na ito ng walong referrals sa Office of the Ombudsman, hindi kasama ang joint referrals sa Department of Public Works and Highways, laban sa 100 indibiduwal. (KRIS JOSE)