Home NATIONWIDE DOJ: Subpoena nina Estrada, Revilla asahang lalabas sa susunod na linggo

DOJ: Subpoena nina Estrada, Revilla asahang lalabas sa susunod na linggo

204
0

MANILA, Philippines – Inaasahang maglalabas na ng subpoena sa susunod na linggo ang Department of Justice (DOJ) laban kina Senator Jinggoy Estrada at dating senator Ramon ‘Bong’ Revilla dahil sa mga hiwalay na reklamo ng plunder kaugnay sa maanomalyang flood control.

Sa isang forum nitong Sabado, sinabi ni DOJ Prosecutor General Richard Fadullon na magsisimula na ang preliminary investigation laban sa kanila dahil ipapataw ang na sila kaugnay sa nasabing kaso.

Noong Huwebes ,sinabi ni DOJ spokesperson Polo Martinez na may hiwalay na reklamo ng plunder ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kina Revilla at Estrada.

Sinabi ni Fadullon na nagkaroon ng fact-finding ang NBI katuwang ang mga Prosecutor saka nagkaroon ng rekomendasyon sa Office of the Ombudsman.

Aniya sinuri naman ng Office of the Ombudsman kung meron o walang sapat na ebidensya upang ito ay magpatuloy.

“So we just received the records back, it was [re]turned back by the Office of the Ombudsman,” dagdag ni Fadullon.

Wala pang komento o pahayag ang kampo nina Estrada at Revilla hinggil dito.

Nauna nang itinanggi ni Revilla ang anumang pagkakasangkot nito sa ‘ghost’ project ng flood control sa Bulacan matapos siyang madawit bilang respondent sa dalawang reklamo na inihain sa DOJ.

Samantala binabalaan an naman ni Estrada ang pahayag ni dating Public Works and Highways Bulacan 1st district assistant engineer Brice Hernandez tungkol sa umano’y pag bulsa ng mga kickback sa mga flood control projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here