Home METRO Lakbayaw ng Sto. Niño de Tondo, dinagsa ng mga deboto

Lakbayaw ng Sto. Niño de Tondo, dinagsa ng mga deboto

220
0

MANILA, Philippines – Libu-libong deboto ng Minor Basilica and Archdiocese Shrine of Sto. Niño de Tondo ang nakiisa at sumayaw para sa Lakbayaw 2026 procession sa Tondo.

Umikot ang prusisyon sa kahabaan ng Ilaya Street kanto ng Recto Avenue sa Maynila nitong Sabado ng umaga bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño de Tondo.

Kasabay sa pag-indak ng mga deboto ang mga dala-dalang mga imahe ng Sto. Niño o replica nito.

Biyernes pa lamang ay nagsimula na ang Lakbayaw Festival kung saan isa ito sa dinarayo at pinapanood ng mga dumadalo ng pagdiriwang.

Dahil sa kaliwat-kanang aktibidad na tatagal hanggang bukas Linggo-Enero 18 o mismong araw ng kapistahan ng Sto,Niño de Tondo ang Manila Police District ay nagpauna na ng abiso sa publiko na ilang kalsada ang pansamantalang isasara sa paligid ng Simbahan.

Hindi lamang sa Tondo ipinagdiriwang ang kapistahan ng Sto. Niño kundi maging sa Pandacan kung saan “Buling-buling’ Festival naman ang dinadayo rito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here